Hanggang Dito Na Lang.

Naramdaman mo na ba ‘yong hindi naman masakit pero ang lungkot?

Hindi naman life and death threatening pero ang lungkot.

Tipong wala ka naman balak na maging malungkot sa pagmulat ng mata mo pero ang lungkot.

You are not broken, just bent.

Naghahalo ang saya at lungkot.

Masaya kasi naranasan mo magmahal at mahalin.

Masaya kasi hindi nyo naman kailangan ipilit pero naiintindihan.

Masaya kasi totoong tao lang kayo sa isa’t isa.

Masaya kasi pareho kayo ng nararamdaman pero hindi dapat patunayan.

Masaya kasi bukod sa pamilya may tao kang natatakbuhan kapag sasabog ka na sa problema.

Masaya kasi may tao na alam mo handa kang ipagtanggol at alagaan.

Masaya kasi masaya ka lang.

Ang weird ba? As they always said, we attract what we deserve and we received what we think we deserve.

Ang babaw ko ba? Honestly, I am not a fan of grand gesture of loving people and the end, hindi naman kayang panindigan ang mga salitang binitawan. Sorry ah, medyo negative ako dito. No one has the right to blame me what I feel, after all, I’ve been there and done that, didn’t work.

I didn’t deserve what happened but I know what makes me happy.

Every one of us does not deserve less because we are more than that.

We have checklist of what we must receive and what we deserve. You may read my other blog here about standards: https://strongbadassmom.com/2019/06/09/raising-standards-is-it-too-much/

But we still accept it, not because we deserve it but because we feel something that we deserve, kasi nga hindi pumayag ang universe.

Wala ka namang karapatan masaktan kasi ginusto mo naman.

Wala kang karapatan na mag-inarte kasi tanggap mo naman.

Parang the difference between privacy and confidential.

Iba ang may lihim, sa tinatago.

But it does not mean na OK LANG.

Every time we love, kahit anong relasyon pa ‘yan, kaibigan, pamilya, kamag-anak, jowa whatever relationship kapag nagmahal ka, expect mong masasaktan ka at malulungkot ka because all of them goes together, package deal ‘yan. Hindi lang sa mag-jojowa o married couples pwde ang salitang LOVE.

Love of self.

Love of children.

Love of  God.

Love of the things you do.

Love of music.

Love of everything.

Because love is a feeling na lahat ng living creatures sa earth eh nakakaramdam.

Malungkot kasi ito lang ang pwde mong gawin.

Malungkot kasi sa simula pa lang alam nyo na ito ang ending.

Malungkot kasi hanggang dito na lang.

Hindi ka pa nagsisimula makipag-boxing eh KO ka na.

Hindi ka pa nagsisimula tapos na.

‘yon ang malungkot.

Tatanungin mo ang mundo na bakit kailangan mong makilala ang mga taong pansamantala pero habang buhay magmamarka?

Tatanungin mo si Lord ng, “ano pong purpose nya?”

Tatanungin mo sarili mo ng, what if?

Siguro, if my opinion matters, we cannot tell someone what they should and shouldn’t feel. Sabi di ba ni bossing, Bawal ang Judgemental. And why not? We are humans. We are made to be a disappointment, miserable, sad, happy because that is part of our human being.

Madali kasing sabihin na marami pa ang pwdeng gawin, never limit yourself to something you do not deserve.

Pero sa totoo lang, madalas, ‘yong mga hindi natin deserve dun natin nararamdaman ‘yong dapat natin maramdaman sa mga taong deserve tayo. Totoo nga ‘ata ang pinagtagpo pero hindi tinadhana.

But I just want to make it clear, that sadness is not a negative feeling.

Kung malungkot, sige lang. damahin mo, it is part of processing.

Di ba nga ang luha eh nakakalinis ng mata, kaya kailangan mo ‘yan from time to time.

Whoever said that crying is bad, ay taong duwag. We cannot avoid our emotions kasi lagi ‘yan andyan, like I always said, feel the feelings pero ‘wag mo ng hayaan na lamunin ka. Palampasin mo at ‘wag tatambayan.

2 Corinthians 2: 4 said “I wrote to you out of great sorrow and anguish of heart along with many tears – NOT TO MAKE YOU SAD BUT TO LET YOU KNOW HOW MUCH LOVE I HAVE FOR YOU.

Hindi lahat ng sakit ay masakit.

Hindi lahat ng iyak ay lungkot.

Hindi lahat ng naglelet go ay sumuko.

Hindi lahat ng nasasaktan ay tumitigil magmahal.

There’s always rainbow after the rain.

There’s always happiness in sadness.

There’s always good in goodbye.

Sometimes letting go of the people we love is the only decision we need to do, for us to grow apart and our love for each other may grow deeper.

Keep Going.

CTTO: PHOTO NOT MINE. NO COPY RIGHT INTENDED.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s