#OFWDiaries

Isa ka bang OFW? Overseas Filipino Workers. Filipino citizen who left the country and family to work in a foreign land? Kung oo ang sagot mo, para sa’yo ‘to kabayan! 🙂

Kabayan, ilang taon ka na ba sa abroad? Saang bansa ka naninilbihan? check my other blog here to know mine — https://strongbadassmom.com/2019/09/23/seven-years-na-kami/ Ilang pasko at bagong taon na ba ang lumipas na hindi ka umuwe? tagal na rin pala, ano? Ang anak mong iniwan ngayon eh malaki.

Kasama mo na ba ang pamilya mo ngayon sa bansang pinaglilingkuran mo? Ah talaga? Mabuti naman pala kung ganon, natupad mo ang isa sa mga plano mo! Congrats!!!!

Eh ikaw kabayan na hindi kasama ang pamilya? Ang palagi mong kasama eh katrabaho at mga naging kaibigan dahil sa mga iba’t ibang communities? anong plano mo? hanggang kailan ka maninilbihan sa mga banyaga?

Magbalik tanaw tayo sa mga panahong inaasam-asam natin mag-abroad, excited tayo umalis ng Pinas kasi sa wakas, matutupad na natin ang mga pangarap para sa pamilya, makakapagtapos na ng pag-aaral si Bunso, may katuwang na sa gastusin si kuya, may pang gamot na si tatay, may pamalengke na si Nanay. May pambili na ng mga gamit ang mga anak. Makakapagpatayo na ng bahay para sa pamilya, hindi na tayo mapapalayas sa bahay na inuupahan. Hindi na tuyo at sardinas ang laging kakainin. Mas malaki na ang sweldong matatanggap natin buwan-buwan. Mabibili na natin ang mga gusto natin at kung may sosobra, pang luho natin.

Binuo natin lahat ang pangarap na ito kasabay ng sakripisyong iiwan ang pamilya para sa maginhawang kinabukasan. Tayo, ang nagsakirpisyo para maibigay sa pamilya ang lahat ng pangangailangan. At kung hindi ka man pamilyado o bread winner ng pamilya mo, umalis ka at nakipagsapalaran sa ibang bansa para sa self fulfillment mo.

Noong nag-apply ka bilang office staff, hospital worker, engineer, architect, teacher, at iba pa nakasaad doon kung anong mga qualifications ang kailangan sa vacant post, pero bakit walang nagsabi na dapat pala we are also mentally strong and mentally healthy. Tinest lang ang x-ray, dugo, ihi at jebs pero bakit ang puso’t utak mukhang hindi ‘ata sinubukan? Bakit sa PDOS sinasabi lang kung anong bawal bakit ‘yong lungkot na kasama sa pagtrabaho abroad hindi sinabi?

Iba’t ibang kultura ang dapat pakisamahan araw-araw at araw-araw mong tatanungin ang sarili mo, kaya pa? Doktor ka sa Pinas pero sa ibang bansa maswerte na kung maging nurse ka pa or kung makakapag-work ka pa sa hospital. ‘Yong tipong ilang taon ka nag-aral at naglustay ng brain cells para maipasa ang mga board exams at sangkatirbang lisensya pero sa ibang bansa hindi naman nila binibigyan importansya. Sabi ko nga isa akong aliping sagigilid. Hindi naman na bago sa ating mga pilipino ang manilbihan sa mga banyaga, nasa history na natin ‘yan. Sinakop nga tayo ng mga kastila, hapon, amerikano sa sariling bansa natin eh ‘yon pa kayang tayo ang pupunta sa bansa nila.

Kabayan, may naipon ka na ba? panigurado isa ito sa mga naipon mo……

May iba na ito na lang ang tanging naiipon, mga resibo ng remittance. Pagkasweldo diretso padalahan. Dahil kay corona mas mabilis na ngayon magpadala, mas nabigyan pansin ang mga mobile application, bank transfers, literal na one click away and within seconds nasa bank account na ng pamilya mo ang pera, di kaya naman kay Kumareng Cebuana.

Masarap sa pandinig maging maka-bagong bayani ng maka-bagong panahon pero hindi masarap sa pakiramdam ang dinadanas ng maka-bagong bayani sa ibang bansa ‘yong lungkot ang pumapatay samin dito. Hindi man physical ang pagod pero sa mentalidad pagod na pagod na lalo’t kung ang daming bili mo ko at billllssssssssssss na nag-aabang sa ipapadala mo, tipong isang araw ka lang madelay panay na ang tawag ni Judith sayo! (due date :D)

Haaaay, Kabayan, nalinlang tayo! sabi nila magaan ang trabaho sa ibang bansa, magaan kung ikaw ay citizen ng bansang pinaglilikuran pero kung ikaw ang banyaga, tiisin mo para sa pamilyang umaasa.

Hindi permanente ang trabaho abroad, kung ayaw na sa amin, ano bang laban namin? kontrata mo tapos na? uwe ka na. Konting sagot mo lang sa amo kahit alam mong tama ka, nanganganib ka na maging endo or term. Bibili ka na ng one way ticket to home country.

May iba nilulunok na lang ang pride at prinsipyo para may maitustos sa pamilyang naghihintay sa Pinas.

May iba sumuko na dahil tanging prinsipyo na lamang ang natitira sa kanila.

Kung ako lang, sarili ko lang ang kailangan kong isipin, matagal na akong umuwe sa Pinas hindi dahil sa pagod sa trabaho dahil sa pagod maging matapang na tao. Pagod na ako ipakita sa magulang ko na kaya kong mabuhay ng malayo sa kanila. Pagod na ako magpanggap na kaya kong makita na lumalaki ang anak ko na wala ako sa tabi nya. PAGOD NA maging strong.

Pero sa kabila ng lahat ng pagod, lungkot at hinagpis ng damdamin naming mga OFW, ang ngiti ng mga mahal namin sa buhay ang nagbibigay lakas sa amin para bumangon at patuloy na lumaban sa buhay. ‘yong pangarap na matutupad lahat ng inaasam namin basta tyagain lang namin. Na kapag umuwe kami, maayos na ang bahay namin, may konting ipon at may negosyong nasimulan. Hindi lahat ng OFW ay maswerte at biniyayaan ng sipag at tyaga. Meron o madalas kakapadala sa pinas walang natira para sa sarili kundi resibo at worst, baka sakit pa na dulot ng stress sa work. Tipong pagkatapos mo sa trabaho, uuwe ka na pagod at kailangan mo pang magluto, maglaba, magplantsa. Kaya saludo ako sa mga kasambahay, ibang klase ang sipag at tyaga nila, pagkatapos nilang magsilbi sa mga amo, sarili naman nila ang pagsisilbihan.

Ginusto naming maging OFW dahil akala namin masarap sa ibang bansa at ito lang ang tanging paraan na nakikita namin para mapabilis ang pag asenso ng kabuhayan namin. Huwag nyo naman kaming sisihin kung mas pinili naming malayo, mas doble ang sakit sa amin sa tuwing aalis kami sa piling ng pamilya namin. Ito ang nakita naming paraan para may pagkain sa hapag kainan.

Pamilya ang dahilan ng aming pag-alis, pamilya ang magiging dahilan ng aming sakripisyo at pamilya rin ang magiging dahilan namin para umuwe sa bansang sinilanganan at higit sa lahat tanging Dyos ang nagiging sandigan namin sa panahong malayo kami.

Psalm 23:4 says Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for You are with me; Your rod and Your staff, they comfort me. 

Mahirap at masakit malayo sa mga mahal sa buhay pero pinili namin ‘to at nag-decision ng hindi para sa sarili kundi para sa pamilya. At sa pakikipagsapalaran namin sa ibang bansa, ang Dyos hindi kami iniwan. siguro kami ang nang-iwan.

Kahit ano pa ang situation mo ngayon, Kabayan. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, aayos rin ang lahat. Manalig. Magtiwala. May hangganan ang lahat ng bayarin at may katuparan ang lahat ng pangarap. May biyayang naghihintay sa bawat sakripisyo. Naririnig ka ni Lord, magtiwala ka lang sa kanya at sa mga kakayahan mo.

Remember this, Miracle happens because of your faith in God.

Kaya Kabayan! laban! Kita kits tayo sa Pinas!

CTTO: Photo not mine.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s