Golden Rule.

Matthew 7:12 “Do unto others as you would have them unto you.”

It was clearly stated in the bible that we shouldn’t be doing to others what we shouldn’t want others do unto us.

Sabihin natin kay crush na mahal kita, kaya mahalin mo rin ako.

Sabihin natin kay Jowa na mahal kita kaya mahalin mo rin ako.

Sabihin natin sa kapitbahay na huwag mo ko pakialaman kasi hindi naman kita pinapakealaman.

Mahalin mo ako kasi mahal kita.

Sana ganon kadali di ba? Sana ganon kadaling gawin ang lahat. Sana ganon kadali na kapag sinabi nating mahal natin sila mahalin rin tayo ng buo, sapat at walang hinahangad na kapalit.

Pero sampalin lang kita ng katotoohanan, hindi lahat ng taong makikilala mo kayang gawin ang mga ginagawa mo.

Hindi lahat ng pagmamahal na binibigay mo kayang suklian.

Hindi lahat ng sakripisyo mo kayang palitan.

We, as human as we are, mahilig tayo sa kapalit sa lahat ng ginagawa natin. We don’t have contentment. Sad truth.

See, hindi lahat ng nagmamahal ng tapat at sapat eh minamahal ng sapat at tapat. Minsan sila pa ang niloloko at iniiwan.

Hindi lahat ng nagloloko eh loko-loko, hindi lahat ng nagmamahal eh nagmamahal.

Kasi hindi tayo parepareho. Iba’t iba tayo ng paniniwala, pinagdadaanan, nararamdaman.

Sa relasyon na lang iba-iba tayo paano magmahal at mahalin. May iba, todo bigay samantalang ang iba eh chill lang. Marahil may nag-hohold back sa kanila para mahalin ka, kung anuman ‘yon sila lang ang nakakaalam.

Sa pamilya, hindi lahat ng magkakapatid eh parepareho ng ugali. Kaya nga some of the families are crashed and worst broken.

Sa pagkakaibigan, hindi lahat sasang ayon sa desisyon mo pero ikaw pa rin ang masusunod. Buhay mo ‘yan eh.

Ano nga ba patutunguhan nito? Gusto ko lang naman sabihin, let us be contented with the love we received. I know and I hear you, we shouldn’t be settling to anything lesser because we do not deserve such kind of love.

Being contented does not make us mediocre but it makes us SATISFIED, HAPPY and LOVED.

We became contented because we do not compare.

We became contented because we satisfy our ego of contentment.

Contentment makes us simple, asking for more makes us greedy. Well, siguro depende na rin how you will make use that motivation in you, the hunger within you, that will be a different story to tell.

Before we deserve the kind of love we think we deserve, we should learn how to be contented with the love we received. The more we asked the more pain and disappointment along the way. We end up broken.

Yes, we can wait for the right love, but while waiting we need to be the right one. Hindi one way lang ang lahat, do something for your own good as well.

Hanap tayo nang hanap ng deserve natin pero hindi naman tayo deserving sa taong hinahanap natin so we end up broken and in pain.

Kung gusto mong gawin sayo na mahalin ka, mahalin mo rin ng pagbalik.

Kung gusto mong maging fair ang mudo sayo maging fair ka rin sa mundo.

Kung binigyan ka ng pagkakataon para magpahinga, ibigay mo rin sa pagkakataon ang pahinga.

During this uncertain time, we experienced hardships kasi si mother nature lang at ozone layer ang pinahihirapan natin dati, kaya humingi sila satin ng time out.

As the golden rule said, huwag mong gawin sa iba ang ayaw gawin sayo ng iba.

Bago mo hanapin sa iba ang respetong hinahanap mo, ibigay mo muna sa sarili mo.

Bago mo hanapin sa iba ang pagmamahal na deserve mo, ibigay mo muna sa sarili mo ang pagmamahal na deserve mo.

Bago mo hingin sa iba ang gusto mo, ibigay mo muna sa sarili mo ang gusto mo.

Huwag mong idepende sa ibang tao kung ano ka bilang tao.

Set a standard for yourself before you set standards for other people.

Love yourself before you love others.

Keep going and share the happiness you have within.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s