Free? Then Read.

Free ka ba today?

Saan ka? Kailan ka free?

Kumusta ka na? Free ka?

Balita? Kailan meet?

Sorry, I am busy.

Ilan lamang ‘yan sa mga tanong ng mga taong may pake sayo pero iisa lang ang sagot natin dyan, walang iba kundi “Sorry, busy.”

Sakit ba? Or ayos lang? Kaya pa naman di ba? May next time pa. Hintayin natin hanggang sa hindi na busy ang taong binigyan natin ng pake at oras.

If you will ask me, I hope not, if I do believe in people’s busyness? My answer is a big NO.

Ang salitang busy whether you agree or no (hindi rin kita pipilitin maniwala) ay sagot natin sa mga taong wala tayong pake. Bakit ko nasabi? Sige, I will elaborate all my defense as much as I can. Let’s begin.

Una, ito ang excuse natin kapag hindi natin trip ang nag-invite satin. Trauma ka na sa pagbibigay mo ng time tapos bigla kang tinanong ng open minded ka ba? Lagot! Hahaha. And all of a sudden, ayan na ang propaganda ng networking! No offense ah, real talk lang tayo. Umamin ka, ginawa mo ‘yan sa taong hindi mo trip bigyan ng oras.

Pangalawa, sagot mo ang I am busy sa taong nakasamaan mo ng loob pero hindi nila alam. And that is the only excuse you can give na hindi ka nila kukulitin. Makes sense. Ayaw mo kasama ang taong nanakit or sinaktan or niloko mo. In short, iniiwasan mo kasi wala kang lakas ng loob to confront them of what they did or doing. It’s better left unsaid.

Pangatlo, I am busy ang sagot ng mga taong ayaw magpaistorbo. Wala lang, mas gusto nilang mag-isa, mapag-isa sa mundo nila sa madaling salita, leave me alone.

Last, busy ako ang sagot ng mga taong subsob sa trabaho pero makikita mo naman sa social media puro selfie sa work at very active sa lahat ng social media accounts. Nakapag-vlog pa nga ng one day in my life challenge.

With all due respect, hindi talaga ako naniniwala na busy ang isang tao sa buong 24hrs, 7days, 4weeks and 12months na meron tayo para makasama ang mga taong gusto tayo bigyan ng oras or serve God through a community. To have a spiritual journey.

If you really care about the people around you, might as well give them ample time to appreciate the small things they do for you.

Learn to appreciate that despite of their workloads they managed to think of you and reach out. Imbes na ipahinga nila binigyan ka nila ng oras, nakakahiya naman sayo na laging pagod.

No person is too busy for the people they love. Hindi dahilan ang busy ka sa kung anuman para hindi mo pansinin ang mga messages, calls or emails nila sayo unless it is intentional like I mentioned earlier.

I will poke you even more, we all pray, don’t we? I still believe that every person in this world has a certain belief and I respect that.

See, God hears us even if we do not believe in him. He hears our prayers. He listen to wink of our eyes, every breathe, every heartbeat. He listens to us all. He does not give us answer of I am Busy. He gives us YES, NO or WAIT.

Luke 10:42 “The Lord answered, You are worried and upset about many things but few things are needed. Mary has chosen one thing and it will not be taken away from her.”

It is a matter of choices, rightful choices, time management. Appreciation. Effort. Having time and making time. There are no busy people busier than God.

So if someone, message you, calls you, remembers you give them time. You will never know until when they will be able to give you time.

Hindi ka busy kung gusto mo ang ginagawa mo.

Hindi ka busy kung nais mong makasama at makausap ang tao.

Hindi ka busy kasi hindi ka naman busy.

Hindi ka busy. Period.

Let us learn to appreciate a simple act of kindness.

Huwag mo ng hintayin ang oras na wala ng oras ang taong binigyan ka ng oras.

One day, when they’re gone, you will realize that the simple things they did for you left a big hole in your life.

The petty fights because of simple things that made you upset, soon you’ll realize it wasn’t simple at all.

Sometimes, 1minute of your time makes a difference.And sad truth, dahil sa busy ka nawawala sayo ang mga tunay na nagmamahal sayo. They left because they needed space, time, gravity, isama mo na ang molecules, oxygen at carbon dioxide.

Hindi mabubuo ang isang libo kung walang piso. So always MAKE and FIND TIME.

A simple acknowledgement is better than ignoring it.

So grab your phone and call them back.

Get your car keys and meet them.

Always give time before time ends it.

Photo not mine. CTTO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s