Ikaw ang Akin.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Simpleng salita.

Simpleng pagbibilang.

Tila walang kahulugan.

Walang ibig sabihin, mga titik lamang sa letra.

Nagsimula ang mga hindi inaasahan.

Mga pumipiglas na damdamin.

Mga nararamdamang pinipigil.

Mga salitang nais maging malaya.

Mga ritmikong nais lapatan ng himig.

Mga damdaming kinukubli.

Lahat ay itinago sa lilim ng pagmamahal.

Sa mundong mapanghusga, ikaw ang naging sandigan.

Sa mundong mapusok, ikaw ang naging sandata.

Sa mundong walang pag-asa, ikaw ang naging pag-asa.

Sa mundong tayong dalawa, ikaw ang akin.

Hindi man maipaliwanag ang damdamin, alam naman ng pusong nangungusap ang nais sabihin.

Hindi man masabi ng labi ang nais mong marinig, nakikita naman ng mata ang sigaw ng damdamin.

Hindi man sa lahat ng panahon ikaw ay kapiling, puso’y panatag sa init ng iyong pagmamahal.

Ikaw ay akin hanggang sa dulo.

Ikaw ay akin kahit pa ayaw ng mundo.

Ikaw ay akin mag-iba man ang mundo.

Ikaw ay akin pipiliin at kailan man hindi magsisi.

Sa kwento ng buhay ko, ikaw ang huling pag-ibig.

Sa istorya ng buhay ko, ikaw ang nais makapiling.

At sa pag sampal ng katotoohan kailan man ikaw ay hindi para sakin,

Mananatiling masaya at masigla ang puso ko para sa’yo.

Hindi man tayo sa huli ang tinadhana,

Ikaw pa rin ang pipiliin ng pusong mahalin.

Hindi man sumang-ayon ang tala sa ating dalawa, ikaw pa rin ang pipiliing makasama sa buhay.

Hindi man ako ang nilaan para sayo, ikaw ay akin mamahalin.

“Hindi man ako nilagay sa mundong ito para sa’yo

Parang nakatingin ang buong daigdig ‘pag ako ay yakap-yakap mo

At kung hanggang dito lang talaga tayo

Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka”

Sometimes, love isn’t about finding the right one and letting them stay.

Sometimes, love is about being selfless; seeing them happy and loving them from afar.

If there are lessons I learned in the journey called love, we should be ready to accept the things that are beyond our control.

We should learn to be happy and be contented to what they can offer.

It is not about settling for less; it is what makes you happier and lovelier.

We can love from afar and in distance but be ready to get hurt in silence. Love until you no longer have a reason to love.

As I quote in the movie (my current favorite)

walang tama o mali sa pagsusulat. Minsan kailangan mong malaman ang mali para malaman mo kung ano ang tama.

Kailangan mong isarado ang isip para pakinggan ang laman ng puso.

Ang pagmamahal ay para sa mga taong hindi takot masaktan at lalong hindi takot magmahal.

1 Corinthians 13:8 LOVE NEVER FAILS

My Safe Haven, Ikaw ang akin.

I love you because I choose to love you, everyday.

I love you because I do.

I love you and I will choose to stay.

And the love I know is the love forgives.

The love that never fails.

Keep Loving.

Keep Going.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s