Minsan, Isang Araw.

Minsan ba naisip mo na sana iba ang landas na tinahak mo?

Minsan ba naisip mo na sana hindi na lang nangyari ang mga nangyari?

Minsan ba ginusto mong mabuhay sa ibang pagkakataon?

Nagbaka sakali ka na ba?

Marami ka bang naisip na sana ikaw na lang?

Minsan ba naisip mo kahit saglit sana meron rin kayo?

Minsan ba naisip mo, ako na lang sana?

Minsan, Isang Araw…

Naisip ko na sana ako na lang.

Minsan, Isang Araw..

Naramdaman ko na ako ang para sa kanya.

Minsan, Isang Araw..

Natuto akong lumipad ng malaya kahit pagod na.

Minsan, Isang Araw..

Pinangarap ko.

We’re all dreamers.

We’re all achievers.

We’re all believers.

But hindi lahat nakikibaka.

Hindi lahat lumalaban.

Hindi lahat nakikisama.

Hindi lahat.

Minsan, Isang araw iisipin mo na sana iba ang ending ng kwentong ikaw ang bida.

Kung may karapatan ka lang sana sa mundo, sana lahat ng tao sa buhay mo un gusto mo lang, un mahal ka at mahal mo.

Pero minsan, isang araw sasampalin ka ng katotoohanan dahil impossible pa sa suntok ng buwan ang gusto mong mangyari.

Minsan, Isang araw, mangagarap ka.

Lahat maganda.

Lahat masaya.

Lahat pantay-pantay.

Lahat sa paligid mo makulay.

Hindi natin kailangang masaktan.

Hindi natin kailangang lumuha.

Hindi natin kailangang malugmok.

Minsan, Isang araw malalaman natin bakit hindi ayon sa gusto natin ang lahat.

Piliin natin kung saan tayo magiging masaya.

Piliin natin kung ano ang magpapasaya sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Piliin pa rin natin maging mabuting tao.

Piliin pa rin natin mabuhay.

Hindi titigil ang mundo dahil sa ayaw mo ang nangyayari sa buhay mo.

Hindi titigil ang pagsikat ng araw at paglubog nito dahil ayaw mo ng magising.

Ang buwan mananatiling maliwanag sa dilim,

Piliin mo pa rin tumayo at lumaban.

Sa lahat ng pagkakataon, piliin mo kung ano ang mas nararapat.

Piliin mo ang bagay at decision hindi mo pagsisihan.

Piliin mo pa rin magmahal kahit sa umpisa pa lang alam mong talo ka na.

Piliin mo pa rin maging masaya kahit alam mo sa umpisa pa lang may hangganan ang lahat.

Dahil minsan, isang araw hindi mo maibabalik ang araw na sana sinabi mo.

Minsan, isang araw hindi mo na kayang bigkasin ang mga kagatang nais mong sabihin.

Minsan, ang isang araw ay mananatiling masaya.

Sa mundong ikaw ang bida, piliin mo kung saan ka masaya.

Piliin mo ang magmahal na marunong magpatawad.

Hindi lang minsan, isang araw, kundi Palagi, Araw-araw masaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s