Bakit ka nagbago?

“Hindi na ikaw ‘yong dati kong kakilala, nagbago ka na, laki ng pinagbago mo.”

“Huy, ang taba mo na ah! Payat ka naman dati! Anong nangyari?”

“Bakla, ang hagard mo! Anong pinagdadaanan mo?”

“Besh, paganda/gwapo ka lalo ah! May jowa ka?”

Ilan lang ‘to sa mga iilang komentaryong maririnig natin sa tuwing may nakakasalamuha tayong mga dating kaibigan, kakilala, kaeskwela, kamag-anak, ex jowa at kung anu-ano pa.

Sabi nga nila (Kung sino man sila) the only constant in this world is CHANGE.

At totoo naman rin to mga kaibigan, di ba? It happens in real life not just in internet. Dati rati reload ka pa ng internet card at connect sa landline bago ka makapaginternet ngayon anytime anywhere basta may wifi, connected ka sa digital world. Sa sobrang advance na nga ng technology natin ngayon kahit ang buwan pwde mo ng picturan gamit ang phone mo! Yes, you can ask Huawei.

Oh well, marami naman advantage at disadvantages yan, lalo na sa mga tulad kong malayo sa pamilya! WIFI is life! We are connected with our family back home because of internet! Because some genius geek invented and reinvented and keeps on changing advancing the f*cking internet technology, we are able to see our children growing up thru video calls. Masakit na hanggang dun lang namin nagagawa ang lahat.

At hindi lang internet ang nagiging advance at nagbabago, pati ikaw, ako, sila, kami, TAYO!! People change and that is constant too.

Our body changes.

Our tone of voice changes.

Our priorities change.

Our dreams change.

Our goals change.

I changed.

We changed.

Bakit? Kasi may nararanasan tayong mga ganap sa buhay natin na hindi na maganda kaya pinili mong iwan at magkaroon ng ibang landas.

Nagbago ang pananaw mo sa buhay na dati iisa lang ang patutunguhan pero namulat ang mga mata mo ang dami pala pwdeng gawin.

Ang lawak ng mundo pero nakulong ka sa idea na ito ka lang, hanggang dito ka lang.

Meron 7 continent ang mundo pero nanatili ka sa isang kontinenteng hindi mo naman alam kung saan ka lulugar.

Dumarami ang mga nakakadaupang palad mo, nabibigyan ka ng mga pangaral na hindi mo naririnig noon.

Ang iyong mga pakpak na nakakubli ay tila bumakadkad at nais liparin ang pinakamatayog na ulap.

Nagkaroon ka ng lakas na tahakin ang mundong mapusok!

Lumaban ka sa buhay na akala mo ay puro saya at ginhawa lamang pero may kaakibat pala itong sakit at pighati.

Naging matapang kang harapin ang kinabukasan at kalimutan ang nakaraan.

Nagsumikap ka. Hindi ka nagpatalo. Lumaban, Lumalaban at Lalaban Ka!

Minsan ang nakasanayan kailangan bitawan hindi dahil masakit kundi dahil kailangan.

Hindi lahat ng hawak mo ngayon, bukas ay hawak mo pa rin.

Hindi lahat ng kasama mo ngayon, kasangga mo pa rin bukas.

Lahat nagbabago, kasama na ako.

Piliin natin ang magandang pagbabago.

Kung pagiging mag-isa ang nakakatulong para maiayos mo ang sarili mo, gawin mo.

Kung dati rati isang milyon ang tropa mo at ngayon ay iisa na lang, okay lang ‘yan.

Basta sasamahan ka sa iyak tawa ng buhay.

Hindi ka ilulubog sa kumunoy ng buhay.

Mabilis natin mapansin ang pagbabago ng isang tao pero hindi natin nakikita ang dahilan bakit siya nagbago.

Madaling sabihin ang pagbabago ng isang tao pero hindi natin maisip at masabi sa sarili natin.

Maaaring ilang ulit bumitaw, sumuko, lumaban pero sayo ay tila balewala.

‘Yan ang problema natin, mabilis natin makita sa ibang tao kung ano at paano sya nagbago pero hindi natin maisip sa sarili natin na baka tayo ang dahilan.

Baka tayo ang naging dahilan bakit sya nagbago?

May nasabi ba ako?

May ginawa ba ako?

Maaaring sabihin mo, wala.

Pero tila ba lahat ay nagbago.

Kung tunay at tapat lang tayo, marunong makuntento, baka sakaling hindi na nya kailangang magbago.

Baka hindi na hanapin ang mga bagay na wala sa atin.

Kung marunong tayo magbigay ng respeto baka hindi sya nagbago.

Kung pinahalagahan ko ang tiwala nya baka hindi siya nagbago.

Marami akong natutunan sa buhay simula ng mabuhay akong mag-isa:

1. hindi lahat kaya kang panindigan, kaya dapat matuto kang tumayo sa sariling mga paa. Ibangon mo ang sarili mo dahil walang iba makakagawa nyan kundi ikaw.

2. Hindi lahat susupportahan ang pagbabago mo. Why? People will grow apart. Different opinion will arise dapat handa ka. Kung sino at ano ang maiiwan sayo pahalagahan mo.

3. Huwag mo ibigay sa tao ang hindi mo kayang ibigay. Ibigay mo lang kung ano kaya mong ibigay. At kung ikaw ang tatanggap, pahalagahan mo ang binigay sayo, lalo na kung oras at panahon.

4. Hindi lahat ng mag-isa sawi, un iba hinahanap ang sarili para muling bumangon.

5. Maging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon. Magkaiba ang mabuti at mabait, know the difference.

6. Mas mabuting manahimik kaysa may masabing hindi maganda. Iwasan mo na ang mga pagkakataon.

7. Matutong pahalagahan ang sarili. Minsan gusto lang talaga nating mapagisa kasi pagod ka na sa paulit-ulit na issue ng buhay. Huwag mo na ipaliwanag ang sarili mo sa iba, ‘yaan mo na lang sila magulo at pagchismisan ka. Hindi mo naman ikakamatay ang chismis, kusang namamatay ang chismis.

8. Laban.

9. Lumalaban.

10. Lalaban!

You have a Big man up there cheering for you. He will give you the right people at the right time, and these people will never hold you back instead they will let your wings fly!

Keep Going!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s