Kaya pa ba?

Sa mga pinagdadaanan ng buhay mo ngayon, kaya pa ba?

Sa mga examinations mo ngayon na wala kang maisagot, kaya pa ba?

Sa mga amo mong hindi maintindihan na pagod ka na, kaya pa ba?

Sa mga lungkot na nararamdaman mo dahil malayo ang pamilya mo, kaya pa ba?

Sa mga utang na walang katapusang bayaran, kaya pa ba?

Sa ilang buwang panunuyo mo mapasagot lang ang nililigawan mo, kaya pa ba?

Sa ilang beses mong nabigo, kaya pa ba?

Sa ilang beses na tagumpay mo, kaya pa ba?

Sa tagal ng paghihintay mo, kaya pa ba?

Kaya mo pa ba?

Lumaban. Lalaban. Ipaglalaban mo dahil kaya mo! Kayanin mo ah!

Pagod ka na bang ipaglaban ang taong hindi ka naman magawang ilaban?

Pagod ka na ba sa paulit-uli na problemang dumarating sayo?

Pagod ka na bang maging matapang?

Pagod ka na bang magpanggap na kaya mo pa?

Pagod ka na ba sa trabaho?

Pagod ka na bang umasa?

Pagod ka na?

Inhale. Exhale.

Breathe In. Breathe Out.

Clear your mind. Meditate.

Manalig. Magdasal. Magtiwala.

Pakiramdam mo ba mag-isa ka?

Alam kong mahirap’to gawin, Huwag mo isiping mag-isa ka, kasi hindi totoo yan!

Maraming nagmamahal sa’yo!

Maaaring isa na ako dun.

Maaaring ang mga taong hindi mo inaasahan na tumulong sayo ang magbigay ng tulong sayo.

Maaaring nabubulag ka lang sa sakit na nararamdaman mo at hindi mo nakikita ang mga tao sa paligid mo.

Ibibida ko uli ang bff kong bipolar (curious ka na sino sya?), sabi nya Hindi mo dapat blinoblock ang mga taong gustong magmahal, mahalin at mamahalin ka dahil kamahal-mahal ka naman.

Yes, sa lahat ng negativity na meron ka sa katawan mo, may taong magmamahal at mamahalin ka.

Yes, may kaibigan na tutulungan ka!

Yes, may pamilya kang hinding-hindi ka iiwan!

Yes, may bff (akong) na bipolar na hindi (ako) ka binitawan sa mga panahong inatake ka ng anxieties mo.

Yes! May taong nakalaan para sa atin! Maging kaibigan, kasintahan, kapamilya, kapuso at kapatid ‘yan!

Naniniwala ako na ang bawat tao sa mundo ay may taong nakalaan para samahan tayo sa laban ng buhay.

Maaaring nakilala mo na sila na ng matagal.

Maaaring bago mo pa lamang sila nakikilala pero magaan na ang kalooban nyo sa isa’t isa.

Maaaring hindi mo pa siya nakikilala, tiwala lang makikita mo rin ang weird mong bff.

Maaaring hindi lang isa ang ibigay sa’yo, pwedeng male and female version pa! Kasi ganon ka kamahal ni Lord. Ibibigay nya ang mga taong para sa’yo at dapat nasa buhay mo!

We love because We are made with love.

We love because we care.

We love because we are meant to be loved.

We love because we are loved.

We love because we give back.

We love because we are taught to love one another.

We love because God loved us first.

Huwag ka na magreklamo dahil hindi mababago ang situation mo kung hindi mo gagawin. Huwag kang maging Juan Tamad level na naghihintay na lang sa hammock malaglag ang bunga ng puno at magreklamong gutom ka na.

Naniniwala akong may solusyon sa lahat ng kinahaharap mo ngayon.

Naniniwala akong pagod ka lang at nais lang magpahinga.

Naniniwala akong hindi ito ang magpapabagsak ng pagkatao mo.

Naniniwala ako sayo.

Sky is the limit ika nga, pero madalas we go beyond our limit because we are limitless.

You always have a choice! Remember that!

Nawawalan lang tayo ng choice kasi we limit are choices to NO CHOICE!

Kung ang exam nga nagagawang magkaroon ng Multiple choices eh buhay pa kaya ng tao?

You see, life is an endless examination at si Lord ang nag-checheck ng test paper mo.

Nasasayo kung pag-aaralan mo ang exam mo.

Ikaw pa rin ang bahala kung kokopyahin mo ang sagot ng katabi mo.

Decision mo pa rin kung huwag na lang mag-aral at magtiwala sa stock knowledge.

Ikaw pa rin mag-dedesisyon kung makikinig ka sa mga payo ng mga magulang at kaibigan mo. At kung may naririnig ka pang boses na hindi namin naririnig. 😀

Ikaw ang magsasabi kung anong isasagot mo sa test paper ng buhay mo.

At kung ikaw ay walang gagawin para maipasa ang examination mo, eh huwag ka na magtaka kung papasa ka.

Huwag mo ng asahan na kinabukasan bigla kang naging Summa Cum Laude.

Ikaw ang mgadedecision kung lagi mong irerepeat ang exam mo.

Kung gusto mo naman matuto in the hard way eh, sige lang, ikaw naman ang may gusto.

Kung anong paraan mo para matuto ka sa buhay, ikaw ang gagawa.

Ikaw ang makakaisip ng solusyon sa lahat ng Bakit mo.

Ikaw ang hahakbang pasulong para sa tagumpay na inaasam-asam mo.

IKAW LANG, WALA NG IBA!

At kung pagod ka na, give your burden to God and he will give you rest.

Help God to help you!

YOU deserve to be happy! WE ALL ARE!!!!

Keep Going and show them you got!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s