SEVEN YEARS NA KAMI!

It was the same day today when I said Yes!

It was the same day today when I decided to give it a try.

It was the same day today I gave up my own life and decided to pursue ours.

It was the same day today I finally able to spread my wings and fly.

It has been 7 years.

SEVEN F***ING years!

I can still remember how the proposal was.

I also remember the picturesque of that day, I was sick; I was conquering the flood of Manila, soaking wet from the rain. Trying to pull myself together just to reach home safe and alive. And that day, is my birthday.

Unexpected.

Surreal.

Rattled.

Excited.

Confused.

How can someone like me got to have you?

Posible pala na mangyari rin sa akin‘to.

Back then, I did not know how to explain the feelings I had.

I cannot share the happiness I had because I wanted to be sure.

Gusto ko muna mag-sink in sa utak ko na TOTOO NA! ito na ‘yon!

‘yong tipong, ginawa mo lahat para mapa-sayo.

Pinagdasal mo na sana mangyari at ito na nangyari na.

Naalala ko pa, pumila pa ako sa Quiapo mahawakan lang ang Nazareno at ibulong sa kanya na ibigay ka sa akin.

He did! He gave me you! BIRTHDAY GIFT!

Despite of the happiness I felt during the day you proposed, hindi maiwasan mag-isip kung kakayanin ko ba?

Am I capable of being with you?

Anong alam ko sa buhay? WALA.

Nasanay ako na may gumagawa ng lahat para sa akin.

Nasanay ako na may taong magbibigay ng lahat para sa akin.

At bigla kang dumating, paano na?

Hindi ko alam pero gusto kong subukan.

Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko pero ayaw kong bitawan.

Hindi ko alam kung anong magandang dahilan ng lahat ng ‘to, pero dahil ginusto ko ‘to hindi ko na pakakawalan pa.

At ito, PITONG TAON NA!!!!

PITONG TAON NA TAYO!!!!

Akalain mo tumagal tayo ng pitong taon?

As I look back, ang daming nagbago.

Ang daming nangyari.

Ang daming nawala.

Ang daming dumating.

Pero ito tayo, nanatiling matatag at lumalaban.

Ilang beses ko ng sinubukang bumitaw pero sa huli nanaig pa rin ang pagmamahal.

Ilang beses ko ng gustong iwan ang sinimulan pero sa bandang huli nandito pa rin.

Ilang beses ko na sinabing ayaw ko na pero lumalaban pa rin.

AT PITONG TAON NA!!!!

PITONG TAON NA AKONG OVERSEAS FILIPINO WORKER.

PITONG TAON NA AKONG BINANSAGANG MAKABAGONG BAYANI NG PILIPINAS.

PITONG TAON NA AKONG MALAYO SA PAMILYA.

PITONG TAON NA AKONG NAKIKIBAKA SA MGA BANYAGA.

PITONG TAON NA AKONG ALIPING SAGIGILID.

PITONG TAON NA KAMI NG OMAN!!!! Buti pa kami, umabot ng pitong taon, eh sya? Ayun, pitong araw! Hahaha.

Just to be clear, HINDI ako nagrereklamo.

Alam ko, ikaw mahigit kumulang pa sa pitong taon na nararanansan ko.

Baka nga tumanda ka na at nagka-pamilya sa ibang bansa eh.

Uulitin ko, DON’T GET ME WRONG! Ako lang ‘to pero nagbabasakaling baka ikaw rin.

Paano nga ba ako tumagal ng pitong taon?

Dahil sa isang rason kung bakit ako nandito, PAMILYA.

Pamilya na umaasa sa akin na mabibigyan ko sila ng magandang buhay.

Pamilya na ayaw kong pabayaan.

Pamilya na dugo’t laman ko ang nanalatay.

Pamilya ko na gagawin ko ang lahat para lang sa kanila.

Pamilya kong mahal ko.

Basically, I could say, we came from a middle class family. Kaya nga ako walang alam sa mga gawaing bahay eh. Ultimo pag prito ng itlog noon, nasusunog ko pa!

Aba naman, look at me now, I can cook, catering services level pa kamo.  

I can do laundry! Washing machine nga lang, automatic. Hahaha.

I can clean my room! With the help of mareng walis tambo at kumpareng vacuum!

I can na!

I learned!

I learned to live independently without household help.

I learned to manifest the self-achievement of independency, whatever definition you may want.

Eh kung maharlika ka naman pala, bakit nag-abroad ka pa?

Oh narinig kita, eh bakit ba? Wala ba akong karapatan?

Noong una, gusto ko lang malayo sa problema.

Gusto ko lang iwanan ang masakit na relasyong kinulong ako ng mahabang panahon.

Gusto ko lang umiwas sa sakit kahit ang kapalit ay ang pangarap kong maging Abogado.

Gusto ko lang makatulong sa pamilya kong may kinahaharap na malaking problema.

Gusto ko lang.

‘yon lang ang dahilan ko noon, GUSTO KO LANG!

Pero sa pagdaan ng panahon, nagiiba ang dahilan ko, hindi na dahil gusto ko lang pero dahil may pamilya na akong sinusuportahan.

Nagkaroon na rin ako ng anak na kailangan kong bigyan ng maganda at maayos na buhay.

Nagkaroon na rin ako ng dahilan kung bakit gusto ko pang lumaban.

Binigyan ako ng pagkakataon na makatulong sa pamilya.

Binigyan ako ng pagkakataon ipakita sa mundo na hindi ako inutil na walang alam sa mundo.

Binigyan ako ng opportunidad na maging matagumpay sa ibang bansa.

Binigyan ako ng pagkakataon AT AYAW KONG SAYANGIN.

Ang trabahong meron ako sa loob ng PITONG TAON ay pinangarap ng ibang tao.

Ang trabahong meron ako sa PITONG TAON ay dinadasal ng iba.

PITONG TAON na ako nagsasakripisyo pero ni minsan hindi ko ginawang manumbat.

Sa loob ng pitong taon, ilang beses sumigaw ng PAGOD NA AKO! AYAW KO NA! pero sa kabila ng lahat nandito pa rin ako.

Marami ng okasyon ang napalampas ko.

Tanging sa video ko na lang nakita ang anak kong lumaki.

Tanging sa litrato ko na lang nahahaplos ang anak ko sa gabi-gabi.

Sa mga tumatandang boses ng magulang ko na lang naririnig ang saya na dulot ko.

Sa loob ng isang taon maswerte pa rin ako na nakaka-uwe ako ng 30 araw minsan 45 pa! pero un iba? Taon o dekada ang ginugugol bago makauwe.

Sa kabilang banda, maswerte pa rin ako dahil maayos ang kumpanyang napasukan ko, hindi scam!

Ang mga sakripisyong ginawa ko sa loob ng pitong taon at susunod pang taon ay hindi mapapantayan ng kahit anong material na bagay.

Maraming nangyari sa buhay ko.

I grow up to be an amazon.

I matured enough to decide on my own.

I gained the trust of my parents.

I may disappoint them at times but at the end of it all, they still accepted me.

I fall seven times (not just) in my OFW Life but I stood eight times tougher, braver and wiser.

Hanggang kailan ako sa abroad?

Sa ngayon, hindi ko alam.

Dahil hindi naman nauubusan ng problema at pangangailangan ang tao.

Sa ngayon, hindi ko maisip kung hanggang kailan ba dapat ako nasa abroad.

Ang tanging sagot ko lang, hanggang may trabaho at contrata na ibibigay tatanggapin ko. Hindi na para sa akin, kundi para sa umaasa sa akin.

Naririnig ko rin na pwede ko naman gawin sa Pilipinas ang magtrabaho basta may sikap at tyaga lang ako, OO NAMAN! Kahit saan ka sa mundo, kaya ng mga Pilipino yan, kahit nga bagyo hindi tayo sumusuko eh!

Siguro meron lang talaga tayong mga kanya-kanyang dahilan at rason kung bakit tayo tumatagal, nanatili o panandalian sa ibang bansa.

Kung anuman ang dahilan mo alam ko kinakaya mo.

Laban lang!

Nakakapagod pero pilitn nating lumaban.

Para sa sarili at para sa pamilyang nais nating mabigyan ng maginhawang buhay.

Tandaan mo, muli kong sheshare ang sabi ng bipolar kong bff, HUWAG MONG SOLOHIN ang problema lalo na sa pamilya. Magtulungan. Mag-usap. Pag-usapan.

Communication is the key to a prosper relationship (sabi ko na’yon,hindi na si bipolar kong bff. HAHAHAHA!).

At kung anuman ang rason mo kaibigan, ipagpasalamat mo na may trabaho kang nagsusustento sa pamilya mo. Delayed man ang sweldo, pero may inaashan. Kung wala eh sige, shut up na lang ako. Hehe.

In every sacrifice you make, God sees you.

He hears you.

He hears your loudest silence.

He hears you cry at night.

He hears you.

And he will answer you in his most perfect time at your most unexpected way.

Never let obstacles bring you down.

Trust you do well!

And may God bless your beautiful soul a thousand times more.

Keep Going!

3 thoughts on “SEVEN YEARS NA KAMI!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s