Sana, Pwede Pa.

Bakit nga ba hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin?

Bakit nga ba ang binigay sa atin eh malayo sa kung anong hiningi natin?

Bakit ba hindi natin maramdaman ang tunay na saya?

Bakit nga ba hinahanap natin ang mga wala sa atin?

Bakit nga ba mas pinipili natin ang mga bagay na hindi naman pwede?

Bakit ba ang hirap pakawalan ng mga bagay na kinasanayan mo na?

Bakit ba lahat nagbabago?

Bakit ba hindi pwedeng manatili ang mga ganap at tao sa mundo ng masaya ka lang?

Bakit?

Ilan lang ‘to sa mga tanong na madalas gumugulo sa isip mo. ‘yong tipong mag-isa ka lang tapos ayan na may background music ka na bigla kang mapapa-isip ng kung anu-ano na wala ka sa buhay mo.

Minsan naman kahit wala kang lovelife pero narinig mo ‘yon kantang kung saan ba hinugot ang sakit, bigla ka na lang masasaktan at sabihin mo pang “Pucha, wala naman akong love life pero bakit ang sakit?” nakakatawa di ba? Maiisip mo, baliw na ba ako?

Hindi mo ba alam si universe isa rin sa mga nakakarinig sayo? Baka siya na ang forever mo. Hahaha. Nasa nemic! Sabi nga nila isigaw mo daw sa mundo kung ano ang sakit at saya na nararamdaman mo para mawala ang bigat ng nararamdaman mo at maibahagi sa mundo ang saya mo pero ‘wag ka, binabalik sayo ‘yan ni Universe! Hahaha.

Wala naman talaga dapat tayong sisihin kundi mga sarili natin.

Yes, WE!

Siguro nun kabataan mo pa, nag-enjoy ka sa buhay, barkada ditto, tropa doon, tambay ditto, inuman dyan. Sige sa jowa! Not once but more, as in ang dami! Kung uso na ang group chat noon baka lahat ng jowa mo andun! Pero nauso naman ang Group Text sa Nokia 3210 mo na may 150 characters limit. At iisa ang pangalan nila sa phone mo! Iba naman lost pa rin. Nasadlak na sa kadiliman ng nakaraan pero ang maganda lumalaban pa!

Meron naman ay grabe! Sobrang matino ng buhay, school-bahay; work-bahay; may log in and out sa jowa at magulang. Honor roll! Takbuhan ng classmate yan pero ngayon? Sila ang numero unong jowa ng bayan. Kaliwat kanan ang trip na bisyo ditto, lustay ng pera doon. Wild and lost! Hindi pa alam ang plano sa mundo kahit tumatanda na ang tropa ko.

May iba naman na hanggang ngayon, chill pa rin. Go with the flow pa rin. Hindi naman sila lost and needed help, sila lang ‘yon taong ayaw ma-pressure sa buhay and not anxious of what life has to offer. Sila ‘yon tatanggapin lang kahit ano ang dumating at gagawan ng paraan kung may problema. Hindi extreme ang personalidad, hindi high; hindi low. Balance lang. chill. Relax. Na-oobserve lang kung anong pinopost mo sa social media, nag-iisip ng mag-isa pero hindi sila baliw ah. “yon lang talaga ang personalidad nila. Minsan nga inisip kong maging ganito na lang pero ang hirap! Kaya saludo ako sa mga ‘to eh!

At sabi nga ng bff kong bipolar, lahat may dahilan, lahat may sagot hindi pwedeng wala kasi lahat naman daw ng bagay sa mundo ginawa at nangyari ng may dahilan.

And I couldn’t agree more! Kahit at first ang sagot ko eh, hindi ko alam.

Ang masakit sa sana, ‘yong naramdaman mo na may pag-asa. You were given a hope to change things back in the days. The hope given to you became your reason to hold on to Sana Pwede pa….

Sana pwede pang baguhin ang lahat.

Sana pwede pang aysuin ang lahat.

Sana pwedeng hindi na lang nangyari.

Sana pwede pang ibalik ang kahapon.

Kahit sandali lang mabigyan ng pagkakataon.

Kung pwede lang, sana pwede pa.

PERO alam mo, may sagot ako? At yon ay……HINDI NA PWEDE!

Sampalin lang kita ng katotoohanan sa bandang ‘to ah.

Ang sana mo hindi na pwede.

Hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan para mabago mo.

Hindi na pwedeng ayusin ang nakaraan kasi nangyari na.

Hindi mo na maibabalik ang mga salitang nabitawan mo na.

Hindi mo na pwedeng ibalik ang kabataan mo.

Hindi mo na pwedeng ibalik ang mga decision na ginawa mo na.

Nangyari na eh. Ginusto mo. Ginawa mo.

Bakit hindi na? kasi hindi na pwede.

Walang time machine! Walang go back to the old days!

Huwag kang maging tanga sa maling pag-asang nararamdaman mo.

At ang meron ka lang, SANA!

Nangyari ang lahat dahil may dahilan, hindi mo man alam sa ngayon, pero darating ang panahong hindi mo inaasahan.

Darating ang pagkakataon at masasabi mong “Kaya pala nangyari ‘to kasi dahil dito”

Pinagtitibay ka ng panahon sa sana pwede mo.

Pinalalakas ang kalooban mo ng sana pwede mo.

Sa susunod na maramdaman mo uli ang sana pwede mo, alam mo na ang gagawin mo.

At may isa pa akong pero…

PERO HINDI PA HULI ANG LAHAT!

Hindi mo man maibalik ang mga pagkakataong sinayang mo,

Pwede mo naman bawiin sa panahon ngayon.

Hindi mo man maibalik ang nangyari na,

Pwede mo naman gawin ang dapat ngayon.

Hindi mo man siya maibalik sa buhay mo,

Pwede mo naman siyang mahalin in silence and from afar.

Hindi man siya ang nilaan para sa’yo,

Pwede pa rin naman siyang maging parte ng buhay mo, hayaan mo lang.

Hindi mo man mabawi ang mga masasakit na salitang binitawan mo,

Pwede ka naman humingi ng tawad sa lahat ng sakit na sinabi mo, ‘yon nga lang paghirapan mo.

Hindi man maibalik ang dating pagkakaibigan nyo,

Pwede pa rin naman kayo maging mag-kaibigan, hindi na lang tulad ng dati.

Wala mang Sana Pwede pa pero meron namang Pwede, Kaya pa!

Marami man tayong Sana sa buhay, ‘wag nating kalimutan na buhay pa tayo at kaya pa nating baguhin ang lahat.

We have the power to do so. There’s no timeline in changing your life.

Walang timeline sa pagbabago ng buhay.

Walang timeline sa mga pangarap.

Habang buhay may pag-asa. Itong pag-asa na ‘to na maging maayos ang lahat ang gamitin mo, hindi ang pag-asang Sana pwede pa.

Huwag mo isisi sa mundo at sa kawalan ang sakit, kasi ikaw naman may gusto nyan, yes! Narinig kita hindi mo ginusto ang situation mo, pero ginusto mong manatili sa ganyang situation. Marami kang pwedeng gawin pero mas pinili mo dyan sa situation na ‘yan. So ulitin ko ah? Gusto mo ‘yan.

Kung nagawa mong pumasok sa situation na ‘yon, kayanin mong lumabas.

Hindi ka naman habang buhay nasa baba, ang sabi nga uli ng bff kong bipolar, gulong ng buhay ay ganyan talaga, aayos rin ang lahat, manalig at magtiwala.

Brad, kung maayos naman ang buhay mo ngayon, masaya ka, nasayo na ang lahat sabi ni Daniel Padilla panatilihin mong maging positibo ah? Kailangan ng mundo ang tulad mong maraming good vibes! Ipakalat mo ang enerhiyang nanalaytay sa kaibuturan ng puso mo.

Do something good every day.

Do something that will make you feel better.

Do something that will make you proud.

Do something you will never regret.

Do something you want and you will never regret of saying, Sana Pwede pa.

Do something that could’ve been.

Do what is and not what ifs.

I know it could be a struggle but putting one foot forward is already a step.

Cheers to all of us! Cheers to awesomeness you got!

Believe. Trust. Pray.

Everything you prayed for will soon happen right before your eyes.

Never let the fear of the future holds you to living your present.

Never let your past hold you to do great at the moment of your life.

Live at the moment, what needs to happen will happen.

And remember this Philippians 3:13But I Focus on this one thing; forgetting the past and looking forward to what lies ahead!”

You can do it!

I got your back, Dude! So Keep Going!

2 thoughts on “Sana, Pwede Pa.

  1. ang sarap basahin. relate much ako dito. marami kami nakarelate sa sinulat mo. looking back andami ko sana pwede pa. pero tama lahat may purpose and reasons bakita nangyari ang mga bagay bagay sa buhay natin. at the end of the day we just need to have faith, believe and pray that theres always a brighter future ahead. kapit lang 🙂 thank you for this blog. very inspiring and feel good , para isa pelikula lang.na feel good ako habang binabasa ko. cheers 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s