HINDI niya ako BET! Anyare?

Isa ka sa mga hinahangan sa barkadahan nyo dahil isa ka sa mga mayroong magandang track record. Hindi rin maikakaila ang dating mo kapag naglakad ka na sa mga maraming tao, halos lingunin ka ng karamihan. Umaapaw ang talent mo at kitang-kita ito ng mga taong nakapaligid sa’yo. Ang karisma mo bentang-benta sa madla. May asset kang pinapangarap ng iba. May talino ka rin naman taglay. Iba ang wittiness mo, benta kay “Turning Tito at Tita Witty”.

Pero bakit hindi ka nya bet? Bakit ‘yong taong gusto mo hindi ka mapansin? Bakit ang taong gusto mong makasama ayaw ka makasama? Bakit?!! Anong nangyari?!!

Hiramin ko muna ang linya ni Bea Alonzo sa movie na The Mistress, sabi nya “Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo.” TRUE! peroalam ko meron sa ating what I want, I will get! Binigay na sa kanya ang lahat. Kahit hindi nya gusto binigay na sa kanya. Masyadong binayayaan ng talent, kagandahan/kagwapuhan at karisma pati siya binigay sa kanya, aray!

Eh ikaw? Isa lang naman ang hiningi mo eh, SIYA! tapos hindi pa binigay.

Ang dami na nangyari sa buhay, umikot na ang planet earth ng 365 days pero siya hindi mo pa rin mapaikot. Lumaklak ka na ng gluta hindi pa rin nya mapansin ang makinis mong balat. Nag-enervon para mas happy ka na, sa kanya pa rin siya naging happy. Inaraw-araw mo ng ulamin ang san marino tuna para makita nya na ikaw ang true love nya pero siya pa rin ang pinili. Nag-open ka na nga ng bank account sa Metrobank kasi sinabi mo sa kanya You are in good hands pero ayun mas pinili nya sa iba who find ways, BDO.

Tinanong mo tuloy “Ano Lord, anong plano natin? Nga-nga?”  One of the ironies of our life. Aminin natin o hindi at some point in our pagdadalaga at pagbibinata stages (hanggang ngayon siguro), affected tayo. Hindi mo tuloy maiwasan itanong kung anong mali sayo? Anong kailangan para ma-bet ka ng bet mo?

Sa totoo lang, walang mali sa’yo. Wala ka rin dapat gawin para ma-gustuhan ka nya. Uulitin kong sabihin sa’yo, huwag mong problemahin ang mga bagay na wala ka naman control (blog post – FAILURE, check mo rin ‘yon!).

Don’t question yourself na Bakit rejected ka na naman? Rejected ka na nga sa audition mo, pati ba naman sa kanya rejected ka? Ano na? Paano na?

Here it is and I need you to remember John 15:18 “If the world hates you, keep in mind that it hated me first.”

Yes, that’s true! He was hated – rejected first before we do.

Kaya kung hindi ka man gusto ng crush mo, Isipin mo may namatay para sa’yo.

Kung hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo, tandaan mo may nagmamahal sa’yo.

Kung hindi ka man pansinin ng bet mo, alalahanin mo lagi ka nyang pinapansin hindi mo lang nakikita.

Kung nasasaktan ka na dahil may iba na syang mahal, huwag mong kalimutan sa simula pa lang mahal ka na nya!

Ang sakit na ilang beses ka na nyang binalewala, pero siya paulit-uli kang tinatanggap kahit paulit-ulit mo siyang binabalewala.

Pilit mong pinagsiksikan ang sarili mo sa kanya pero siya hinihintay ka lang na siya naman ang piliin mo.

Hindi mo man sya mahal, He loved us first!

Don’t question yourself just because some people do not like you. Huwag mong gawin basehan ang galit ng mundo sa pagkatao mo. Kasi hindi ‘yon totoo. You were made in the image and likeness of God so might as well, change that mind set! I read this in one article, (nakalimutan ko kung saan, parang sya nakalimutan ko na! 😀 ) and I quote “When we don’t deal with the hurts and allow the Great Physician to completely heal us, our souls become infected by the pain.”

Do you get it? kung lahat na lang ng sakit at hiwaga ng mundo eh dadamahin mo, lalamunin ka ng galit at poot. I bet hindi mo gustong maging bitter at mukhang stressed out! sinayang ka na nga niya, sinayang mo pa ang anti-aging cream with SPF 50 na face cream mo. Make use of this pain as stepping stone to know yourself better. Celebrate the pain, rejection you feel, kasi tao ka pa rin! Nasasaktan. Kung hindi ka na nasasaktan naku, besh! Baka 6ft underground ka na. Huwag ganon!

Kaya besh, don’t make it hard for you. If they don’t like you, so be it. Sa dami ng tao sa mundo, merong isa dyan na magiging bet mo at bet ka rin. Sa tamang panahon, kapag alam na ni Lord na ready ka na magmahal.

Don’t rush into falling in love if you are still healing, you will end up in pain again.

Don’t rush curing yourself by other people; you will end up broken again.

Look at the brighter side of your rejection.

Kaya siguro hindi ka niya bet kasi you are too good for them.

Kaya siguro hindi ka niya bet kasi someone out there can give you more than they can.

Kaya siguro hindi siya binigay sayo kasi sasaktan ka lang niya.

Tipong umorder ka lang naman ng isang tubig at burger pero ang bibigay sa’yo large iced tea, double cheeseburger with fries at chocolate sundae pa! Shit, nagutom ako!

Seriously though, you were spared to further pain and agony.

Ayaw ni Lord makita kang nasasaktan ng paulit-ulit kaya sabi nya, “tama na! Let me lead you!”

If I were you, let him. Try Him. You will be surprised of how he answers all your prayers.

Don’t make your rejection a dead end. Make it your new beginning.

Keep going he has plan for you more than you’ll ever know! Believe and trust his process.

2 thoughts on “HINDI niya ako BET! Anyare?

  1. First of all, i enjoyed reading such kind of post, been long time na di ako nakakabasa ng mga ganitong klaseng blog

    Wag kayong mag alala kung di kayo bet ng crush nyo, lahat naman may ginawang para sa kanila sa apat na sulok ng mundo… but we have a problem… ginawa ng Diyos ang mundo na bilog 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s