Moving On.

Tapos na nating pag-usapan ang letting go, let’s move on naman.

Yeap, magkaiba ang letting go and moving on.

Based sa kaibigan kong maraming alam na si google, letting go means allow someone or something to escape or be free.

Malinaw naman ang pagkakasabi nya di ba? Gets mo naman siguro rin ang ibig sabihin ng kaibigan kong si Google?

Hindi ba? Okay we will continue on this hanggang sa maintindihan mo na. Lapitan ko uli si google to give us what does Moving On (Move on) means. Sabi nya it is a phrasal verb which means go or cause to leave somewhere; progress.

So gets mo na? Letting go is just a pace of moving on. Isa lang ‘yan sa stage of your grievances. You can let go but you can’t moved on. You can moved on but you can’t let go. Letting go pinalaya mo lang ang sarili mo pero wala kang ginagawa to move forward. You are stuck where they left you. That is why you need to move on, Okay na? Gets mo na ah!

And kung binasa mo ang blog ko Paano ba mag-let go? Siguro by now kahit konti nag-momove on ka na. Naniniwala akong kaya mo dahil talagang kaya mo!

So paano nga ba mag-move on? In order for you to move on you need to FAILED:

Forgive yourself. Tama, patawarin mo ang sarili mo sa mga maling decision na ginawa mo. Before you forgive other people who hurt you, unahin mo ang sarili mo. Kailangan mo rin ang pagpapatawad na ‘yan para sa sarili mo para maka-moved on ka na. It will also make you feel better if you seek God’s forgiveness through confessions.

Accept Changes. Maraming magbabago sa buhay mo. Maaaring wala na sa palagid mo ang mga nakasanayan mo. Ikaw depende sayo kung para saan ba ang pag-momove on mo. Hindi na tulad ng dati ang lahat at hindi mo na pwdeng balikan ang nakaraan. Ang meron ka, tanggapin ang ngayon at harapin ang bukas. Huwag mong isipin na mag-isa ka because God is with you. He never leaves you, trust me! I’ve been there.

• Be Intelligent, Smart and Wise. Oh naguluhan ka na naman ba? They look the same, right? Pero magkakaiba ang ibig sabihin nyan.

Intelligent ito ay mga book worms, lahat ng information na alam eh nasa libro. More on theories! Matalinong mga nilalang. Laging nasa honor roll mga yan! Kailangan mo rin maging matalino sa pag-momove on! Walang libro magsasabi kung ano ba ang tama o mali (gaya ng pagbabasa mo sa blog ko pero baka lang makakatulong sa situation mo 😀 ) kasi ikaw lang mismo ang nakakaramdam ng sakit. Maging matalino sa paggawa ng decision, don’t go back to what broke you!

Smart dito naman lalabas ang pagkapormatic mo besh! Di ba nga sinasabi nila minsan sayo “you look smart!” Hindi tingin nila sayo eh bobo ka ah, Hindi ‘yon ang ibig sabihin nila sayo because you are well dressed. Bagong gupit, well groomed, physically fit! Tipong hindi ka naman mukhang nasaktan, ganern! Kaya Besh, wag mo hahayaan ang isang araw na hindi maligo ah. Kahit malamig ang tubig pilitin mong maligo!

And of course Wise ito naman ‘yon sa daming pinagdaanan sa mundo naging madiskarte na kung paano lalabanan ang problemang binibigay sa kanya ng mundo. Sila ang madalas tawagin na street smart! nagdedecision sila base sa kung anong kailangan ng earth, practical. Sila ang madalas nasa win-win situation. Ngayon alam mo na pinagkakaiba nila kapag ‘yan na-combo mo! Sinasabi ko sayo walang wala ‘yang pinagdadaanan mo.

Love Yourself! Ito ang no.1 na kailangan nating gawin when we’re moving on. Unahin mahalin ang sarili. We lost some part of ourselves when we love someone. You can read further about love yourself in my blog “Mahal mo ba ako?”

Empathized. Hindi lang dapat ibang tao ang iintindihin mo. Listen to your body, mga besh! If pagod na, rest! Huwag mo labanan ang katawan mo. Huwag mo pagurin ang katawan mo. Health is Wealth! Sarili mo rin dapat intindihin mo.

Alam ko tinatanong mo ang sarili mo ng “Bakit kailangan mangyari ang mga nangyari?”; “May mali ba sa akin?” Ako na magsasabi sa’yo na walang mali sa’yo besh. Gusto ko lang maisip mo na, you also do need self comfort. Reflect on what happened and improve. Baguhin mo kung ano ang mga nakita mong nagkulang sa pagkatao mo or improve your perspective in life.

Go out alone, spend time with yourself, mag-me time ka as much as you want and when finally, you found the missing piece in your puzzle no matter how broken it seems, you are complete! Buo ang pagkatao mo kahit maraming pagkakamali kang ginawa, because that’s makes you, you!

Always remember that you are work in progress. God will help you get through.

Detached. Ihiwalay mo ang imagination sa realidad gaya ng paghiwalay mo sa puti at de color tuwing naglalaba ka, ang balat sa tinalupan, ang pula sa puti, ganon sya dapat, bes!

Separate your emotions when making a decision. Don’t make decisions when your emotions are too high.

Alisin mo sa isip mo na hindi ka karapatdapat na mahalin.

Tanggalin mo sa puso mo ang galit ng nakaraan.

Huwag mong hayaang kainin ka ng sakit.

I know karapatan mong umiyak, magalit, at kung anu-ano pa pero sabi nga feel the feelings but have faith.

Manalig ka na lahat ng nangyayari sa’yo matatapos rin. Lahat ng paghihirap at sakripisyo mo may tagumpay na naghihintay! Kaya laban lang!

Now you know what FAILED means I hope that when you found yourself in the middle of chaos, you will stand up like nothing happened.

I am pretty sure whatever may come after it, you will not linger in the past anymore.

Like what Isaiah 41:10 says “So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.”

You don’t have to be alone in this battle. I am here and will be with you on this journey, cheering and praying for you!

And God is up there guiding you. He will never forsake you nor condemn you.

Keep Going!

Photo Credit to the Rightful owner.

One thought on “Moving On.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s