Dear Ex.

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ko sinaktan.

Habang hawak ko ang kamay mo may ibang kamay ka palang hawak.

Hinahanap ko ang mga yakap mo sa tuwing nag-aaway kami ng magulang ko, ikaw naman ay yakap ng iba.

Sa tuwing pinipilit kong ayusin ang relasyon natin iba na pala ang inaayos mong relasyon.

Lumiit ang mundo ko dahil binuhos ko lahat sayo, samantalang ikaw, siya naman ang ginawa mong mundo.

Inisip ko kung saan ako nagkamali, bakit hindi ako sapat para sayo, ‘yon pala may sapat ng iba para sayo.

Habang gumagawa ako ng paraan para ayusin ang relasyon natin, gumagawa ka naman pala ng dahilan para iwan ako.

Naalala ko ang lahat ng sakit at maling ginawa mo pero hindi ko naalala ang mga tamang ginawa mo at masasayang pagsasama natin.

Nakalimutan ko na sa tuwing mag-oovertime ako nagtiyatiyaga kang hintayin ako para maihatid ako sa bahay ng maayos at safe.

Kinalimutan kong ilang beses ka ng na-late sa trabaho dahil inuna mo akong ihatid sa opisina.

Nakalimutan ko rin kung paano mo tipirin ang sweldo mo para may maregalo ka tuwing monthsary, anniversary, birthday at movie dates natin.

Kinalimutan ko rin na may sarili kang pangarap.

Hindi ko naisip na may kasalanan rin ako.

I also have my fair share of mistakes and misunderstandings in our relationship.

Ako rin ang dahilan bakit mo nagawa ang mga ginawa mo. My idea of love was wrong.

With that, Im sorry and Thank You.

Sorry sa mga panahong hindi ko nakita na sinubukan mo rin ayusin ang relasyon natin.

Sorry kung hindi ko naramdaman ang mga sakriprisyo mo para maiayos ang lahat.

Sorry kung mas pinili kong pakinggan ang ego ko kesa sayo.

Pero higit sa lahat, SALAMAT!

Salamat kasi sumuko ka.

Salamat at napagod kang intindihin ako.

Salamat sa sakit na binigay mo dahil natuto akong tignan ang mundo ng mas malawak.

Salamat dahil sayo bumalik ako sa taong dapat kinapitan ko noon pa lang.

Binalik mo ako sa taong simbolo ng tunay na pagmamahal.

Bumalik ako sa kanya at tinuro nya sa akin ang tunay at wagas na pagmamahal.

Sinabi ko noon, hindi na ako magmamahal ng tulad mo. Totoo! hindi na ako magmamahal ng tulad mo dahil hinihintay ko ang taong nilaan ng Diyos para sa akin.

I gained more than what I lost.

Kung hindi ka sumuko at napagod hindi ko malalaman at maiintindihan kung ano at paano ba magmahal.

Kung hindi ka sumuko at napagod hindi ko maitatama ang pagkakamaling nagawa ko.

Kung hindi ako nasaktan hindi ko malalaman na mali ang idea ko ng pagmamahal.

Dahil sa’yo nabigyan ako ng isa pang pagkakataon para paglingkuran at mahalin sya.

Dahil sa’yo natutunan kong mahalin ang sarili ko.

Dahil sa’yo naging matibay ang pananampalataya ko.

Dahil sa’yo naging matatag ang puso ko.

Halos limang taon na rin pala ang lumipas, matagal na rin pala akong single. Ganon pa man, kahit hindi ko pa nakikilala ang The One That God Allowed ko pinapasabi na nyang Salamat, at binitawan mo ako.

Yours,

Ex

P.S

Pinagpalit mo na rin lang ako, sana naman ginalingan mo na! 😀

One thought on “Dear Ex.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s