Single Ka?

Ang bilis ng panahon, yuletide season is just around the corner pero ito ka single pa rin? Bakit?

Mga ilan sa dahilan kung bakit ka single:

  • Hindi pa nakaka-move on kay Ex – Besh! Ano na? ilang dekada na hindi ka pa rin ba over kay Ex? Oo, ramdam ko masakit, nagmahal ka lang naman. Kaso besh, inugat na ng panahon ang emote mo. Grieving has deadline too, you know? ‘wag mo hayaang mapagiwanan ka ng mundo dahil lang sa isang tao na ginawa mong mundo. Mali besh! Move on!
  • Masyadong nasaktan sa past relationship – ‘yong tipong nahuli mo ng may iba dinedeny pa! Tipong ikakasal na kayo naudlot pa! Worst akala mo binata/dalaga ‘yon pala kasal na. Beshie!!! Oo masakit, biktima ka ng maling pag-ibig pero may pagkakataon para bumangon. Alam kong natuto ka na, kaya laban lang!
  • Takot magka-Jowa – ito ang madalas na NBSB/NGSB dahil nakita nila ang mga kaibigang umiiyak ng buong magdamag sa jowa nila manloloko at sinungaling. Dahil masyadong in love nakalimutan ng may ibang tao pa sa mundo nila. Kaya ayun, ayaw mong mangyari sayo, kaya! BACK OFF!
  • Ayaw ng commitment – ito ang IN ngayon! Landi lang kasi takot sa commitment. Hanggang ligaw tingin lang. walang label. Icloclose ka tapos kapag hulog na hulog ka na, sabihin sa’yo hindi ako ready eh. Anak ng tokwa! Sarap mong pektusan sa lungs besh! ‘wag mong pinaglalaruan ang feelings.
  • Naghihintay kay Mr. or Ms. Right – uhhmmm, okay! Gets kita, syempre naman you don’t want to get your heart broken (all over again) but kung naghihintay ka lang naman at wala kang ginagawa, naku Besh, ‘wag mo ng asahan na magkakajowa ka pa. Galaw-galaw rin minsan. Expand your network. Open minded ka ba? Tara, let’s get to know each other! Ganern!

At napakarami pang dahilan baka makagawa na ako ng isang libro kung iisa-isahin pa natin ang lahat ng mga ‘yon.

Madalas mong maririnig ang mga tanong na ‘yan kung nasa 30 years old above ka na. My goodness, pressured ang kamag-anak at kaibigan mo para sayo kasi single ka pa? Huwag kang ma-peer pressure! It’s your life, your choice!

For women who are single and wanting to conceive a child kaya nagmamadali maging in a relationship at magpakasal — CHILL GIRL! Alam ko na ayaw mong habang buhay magkamali dahil nagpakasal ka sa taong hindi mo naman pala mahal. Maraming batang inabanduna ng mga magulang, you can adopt! Hindi man ikaw ang nagsilang at nagdala sa kanya ng 9 na buwan alam ko sa puso mong magpamahal, mamahalin mo ang bata ng buong buo. Relax ka lang, Gurl. Make yourself more beautiful every day, you will soon attract the person God made for you.

Para naman sa mga pogi kong tropa – tama na ang pagiging torpe mo. Malay mo, bet ka rin pala ng crush mo. Ihanda mo ang sarili mo sa mga mood swings nya, buwan-buwan kasi talaga ang dating nyan, you know science! Do not be intimated kung matalino sya, use that to make yourself better! Gawin mong inspirasyon ang mga achievement nya. She does what she’s good at. And somewhere in you, I know may pangarap ka rin for yourself. Ready ka na supportahan sya sa mga pangarap nya. Di ba ‘yan naman ang gusto mo? Independent, hindi clingy, may decision making! Hindi complicated kaya sige na go, try mo rin manligaw! Kung sigurado ka na sa kanya sa habang buhay, tandaan mo, her body will change, her hair will turn gray, she will be lost and get lost along the way, but you will guide and lead her. Be the MAN!

Single Parents out there, you may conceive a child out of wed lock but that doesn’t mean wala ka ng karapatan magmahal at mahalin. The child is made with love and fruit of your love. I still do believe that someone is out there ready to love you and your child. Don’t be too hard on yourself just because of your past instead be grateful. I know it is not your priority right now to be in a relationship because you are too busy providing for your children but Hey! Alam ko namimiss mo rin ang may nag-aalaga at sinasabihan ka ng “You did great today” and that you are loved. YES, YOU ARE LOVED!

We have different callings in our life, Lord can call you for married life, single blessedness or tahakin ang landas ng pagsisilbi sa kanya to become a Nun or Priest. You have to discern, pray for it and of course, do something about it.

Don’t put everything to God the decision you want to do in your life, what I am trying to say is, decide for yourself and ask God if that is his will for you.

God will answer you and you will be amazed how he’ll going to do it.

Being single is OKAY! Hindi ‘yan life and death situation na kailangan ng mabilisang gamutan.

And while waiting for the one God made you, love yourself better, do what makes you happy. Masarap magmahal kung mahal mo rin ang sarili mo.

Eventually, mag-aalign na ang mga tala at magkrukrus na ang landas nyo, handa ka na magmahal at mahalin. Make this as opportunity to grow in love with yourself and with God.

Are you happy being single? 😀

One thought on “Single Ka?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s