FAILURE.

We face a lot of battle every day, sa iba’t ibang aspeto at konsepto ng buhay.

Maaaring isa kang estudyante ngayon na nag-eenjoy ng bakasyon! meron naman naghahanda na para sa darating na school year. Kulang pa rin ang gamit sa school, wala pa rin pambayad ng tuition. Sobrang luma na ng uniform or wala pang uniform, wala pa rin notebook or ballpen man lang.

Pwde rin naman isa ka sa mga fresh graduates na naghahanap ng trabaho. Naka-ilang interview ka na, Rejected pa rin! Sanay ka na sa mga salitang, “we will call you back.” Parang siya hindi ka na binalikan nun sabi nyang ”I need space.”

Baka isa ka sa mga “adult” na kasalukuyang nakikipagsapalaran sa mga issue ng buhay. Ang katotoohanan sa hugot ng buhay mo unti-unti ng narereveal tulad nya, totoo palang wala siyang feelings sa’yo.

Isa ka siguro sa mga taong walang ibang inaalala kundi ang pamilya. Gigising sa umaga, magluluto ng umagahan, tapos tanghalian merienda at hapunan. Masaya kang pagsilbihan ang pamilya at sa kanila ka kumukuha ng lakas mo sa araw-araw. Repeat button every day tapos siya paulit-uli kang niloloko at paulit-uli mo rin pinapatawad.

O baka naman tulad ko na bumubuhay ng pamilya, nasa malayong lugar, naghahanap-buhay para maibigay ang ginhawa at kahit anong kembot mo mananatili na malayo ang feelings nya sa’yo.

At marami pang klase ng buhay ang pinagdadaanan natin, ilan lang ‘yan sa mga maraming sunod-sunod na ganap sa mundo. Maraming binibigay ang life na hugot mo sa buhay.

It is all up to you kung paano mo lalabanan ang tadhana tulad ng paglaban mo sa pagmamahalan nyo noon na wala na ngayon.

When we face challenges in life and we feel that there’s no hope, wala ng liwanag, we called ourselves FAILURE.

We do not have control of what other people think about us, BUT we have control on ourselves.

Hindi mo kailangan sagutin kung bakit malakas ang bagyo sa tawi-tawi at siya walang feelings sa’yo. Kung wala kang pambili ng notebook mo sa school, gawan mo ng paraan. Maghanap ka ng gamit na pwde mong ibenta sa junkshop or use the old notebooks and recycle it.

Kung lagi ka na lang late sa trabaho, gumising ka ng maaga. I-adjust mo ang alarm mo.

Kung stuck ka sa traffic sa EDSA, tiwala lang, makakauwe ka rin, hindi naman aalis ang bahay mo di ba? Why hurry? gawin mong playlist ang December Avenue sa long drive, hindi ka maiinip. Masasaktan ka lang kasi maiisip mo, shit, ang sakit. Inaano ba kita?

Make something good out of the chaos.

Be grateful of the things that you have. Huwag mong hanapin ang mga bagay na wala sa’yo, mababaliw ka lang. Huwag mo na rin asahan kung wala ka naman ginagawa para makuha ‘yon. Kung hindi ka aamin na bet mo sya, malalaman mo ba kung bet ka rin?

Don’t bother thinking and finding solution to the things you’re out of control.

Lahat tayo dumadaan sa pagsubok at marami tayong mga pagkakamali na sana gusto nating balikan at itama pero tapos na ‘yon Besh! Hindi mo na mababalikan, parang siya na kahit anong gawin mo, hindi na babalik pa sa’yo.

So might as well, harapin mo ng buong puso at tapang ang mga pagkakamali na ‘yon.

Did you watch Avengers End Game? They wanted to turn back time and make it right, for half of the universe sake! But, we need to sacrifice. May kailangan ka pa rin isakripisyo (don’t worry hindi ko spoil!) kahit ibalik mo ang nakaraan.

Besh, hindi ka FAILURE! Nagkamali, oo pero hindi ibig sabihin wala ka ng pagkakataon mabuhay sa mundo. You deserve all the happiness in this world. Mabuti kang tao!

That failure will not define who you are and who you will be.

Huwag mo hayaan na forever ka ng nakalugmok sa dilim. I bet hindi yan ang gusto mo! Besh, kailangan mong bumangon, ipakita mo sa mundo na isa kang alamat! Gandahan mo ang aura at hanash mo, tignan mo soon, pati siya lalapit na sa’yo.

What you will do today will be part of (your) history.

Don’t make the same mistake twice.

Learn and live life.

Keep Going, life is full of adventures.

Tara?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s