Friendzone

It all started in a simple “Hi, how are you?”, kinuha ang facebook account (The Millennial Kind of Way) chat here and there, maya’t maya. Dumating na rin ang time na both of you exchanged numbers. Hindi na lang sa messenger magkausap, textmates na rin. When chat and text messages are no longer enough pati video call magkausap na rin kayo.

You hangout together in a group or just the two of you. Pinakilala mo na rin sa magulang mo. Both of you are welcome in each other’s family.

Tipong parang buong buhay nyo magkakilala na kayo. The two of you bonded like you own the world, your world. Hindi matawaran ang ngiti sa mga labi sa tuwing magkausap kayo. Hindi mawala ang ning-ning ng mga mata sa tuwing magkikita. Walang bukang bibig kundi ang pangalan ng isa’t isa.

Magkasama sa lahat ng gawain, magluto, maglaro, gumala, gumimik, kahit sa inuman present kayong dalawa. Whenever you come alone may kasunod na tanong “nasaan siya? Bakit hindi mo kasama?”

Sinagot mo man ng “Kailangan ba lagi magkasama?” Hindi maitatanggi ang kilig na nararamdaman. Paalala ko lang, Tropa kayo hindi mag-jowa.

Tropa. Barkada. Kaibigan. Repa. Bro. Pre. Ilan lang sa mga tawagan nyong dalawa. Oo, malapit kayo sa isa’t isa pero hanggang magkaibigan lang.

Ang sakit di ba? Kahit sa umpisa pa lang naman alam mo na magkaibigan lang pero hindi maiwasan na mahulog ang loob mo kay Bro! Bakit naman hindi? Bukod sa solid ang samahan nyo, magkasundo kayo sa halos lahat ng bagay, maalaga rin siya. Kaya naman ang puso mong marupok, bumigay.

Sino nga ba ang talo sa sitwasyong ‘to?

Ang umasa na may pag-asang maging higit pa sa kaibigan o siyang manhid na hindi naramdamang nahuhulog na ang loob mo?

Honestly, wala. Walang talo sa sitwasyon na ‘yan.

Hindi naman alam ng tropa mo na nahuhulog na ang marupok mong puso sa manhid nyang pagkatao. Manhid sya di ba? So hindi nya alam.

There’s limitation in your relationship, and you know that from the start. Friends, right?

Kung hindi naman klaro na may posibilidad na maging kayo, let go of the idea na jojowain ka nya. Remain friends! Disregard the feeling of wanting them more than friends. You cannot just blame a friend of falling in love with them and they didn’t catch you. At the beginning, alam mo na, KAIBIGAN LANG KAYO. Again, may boundary tayo.

If along the way you think you are getting too mushy and hindi na level of friendship ang closeness nyo, dun pa lang, YOU MUST STOP! LOOK! TALK AND LISTEN! Sit down and talk. Make things clear.

Don’t get me wrong, kaya maraming nasasaktan kasi you’re expecting without clarifying. Binabase mo na lang sa kilos nya na gusto ka rin, ‘yon pala buong tropa ganyan sya. See? Walang difference di ba?

At kung naging awkward naman na ang friendship after umamin na, “Mahal na kita.”, might as well, Vanish ka na, Pre! Di ka type! Seriously, Accept it. Ginusto mo ng clarity di ba? Ayan clear na pati friendship nyo nawala.

Sabi nila madali magmahal ng kaibigan kasi kakilala mo na, kasundo mo na pero ang totoo mahirap mahalin ang kaibigan, dahil hindi mo alam kung saan pupunta ang relasyon nyo. Double jeopardy kapag nagmahal ng kaibigan, basted ka na baka mawalan ka pa ng kaibigan dahil na-inlove ka.

You have a choice, remain friends and keep that in-love feeling of yours or let it out and take risk sa friendship. As they say, friendship is the best foundation of a relationship.

BUT not everytime successful! Hindi naman sa nega ako, pre! Nagpapakatotoo lang.

You see, when malice intervene, everything will fall apart. Lahat ng bagay may kahulugan which is wrong! Advance Accounting “Never assume unless otherwise stated”.

Circumstantial evidence only relies on an inference to connect it to a conclusion of fact, there’s possibility it isn’t supported by the TRUTH!

And when both of you stated the facts, and both of you wanted to go on to the next level, CONGRATULATIONS! You found what you’ve been looking for.

At kung hindi ka naman trip ng kaibigan mo, LET IT GO and remain friends. Hindi na siguro tulad ng dati ang closeness nyo, pero piliin mo pa rin na maging magkaibigan kayo.

Huwag mo sayangin ang pagkakaibigan dahil lang hindi nya tanggap ang next level of relationship na offer mo. Respect the decision. You can still love them, in silence. Besides, what friends are for?

In life, we win and lose some; how you get up and rise again is what makes it better! Keep Going, you will never know kung sino ang para sa’yo if you stop loving. Rest.

Pagalingin ang pusong sugatan and go back to SAFE ZONE.

Oh, ready ka na ba ma-friendzone?

One thought on “Friendzone

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s